Bumaba na ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Fellow Dr. Guido David, as of January 2, nasa 19.9% na lamang ang positivity rate sa National Capital Region mula sa 24.7% na nai-ulat noong December 26.
Una nang sinabi ni David na nag-peak na ang positivity rate sa Metro Manila noong huling linggo ng Disyembre, at inaasahan na ito ay magtutuloy-tuloy hanggang sa mga susunod na linggo.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri. —sa panulat ni Airiam Sancho