dzme1530.ph

Estimated crowd para sa Nazareno 2024, tinatayang mababa kumpara sa Pre-COVID-19 pandemic

Tinatayang mas mababa kumpara sa Pre-COVID-19 pandemic ang bilang ng mga dadalo sa mga aktibidad ng poong Itim na Nazareno ngayong taon sa kabila ng mas pinaluwag na restriksyon.

Ginawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Melencio Nartatez ang pahayag matapos magsagawa ng onsite visit sa palibot ng Quiapo Church kahapon.

Ayon kay Nartatez, umabot lamang sa 15,000 ang crowd estimate sa pagbabasbas ng mga replica kahapon, january 4, habang 10,000 naman nitong January 3.

Sa kabila ng mababang bilang, tiniyak ni Nartatez ang “Safe, Orderly, at Secured” na Traslacion na idaraos sa January 9. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author