dzme1530.ph

Mga department head ng NAIA pinulong ng bagong MIAA-GM para sa transition ng new management

Nagsagawa na ng magkakasunod na meeting ang bagong MIAA general manager Eric Castro Ines sa mga Department head ng Manila international Airport Authority (MIAA) upang simulan ang transition sa bagong management.

Bago ang new year nagsagawa na rin ng inspections si Ines sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nakita niya ang mga dapat isagawang improvement sa mga pasilidad upang maging komportable ang mga pasahero.

Sa ngayon nangangalap pa ng ibang team si GM Ines na ipapalit niya sa mga position na iiwanan ng dating mga tao ni Cesar Chiong.

Ang Bagong Airport Chief ay dati na rin siyang naglingkod bilang Manager ng mga Airlines sa NAIA terminals kaya’t kabisado narin niya ang lahat ng sulok ng paliparan.

Dadalo si Ines sa kauna- unahan niyang pag harap sa lahat ng mga empleyado ng MIAA sa gaganaping Flag raising ceremony sa lunes kasabay ng unang marching order niya sa mga kawani ng NAIA. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author