dzme1530.ph

Comelec, target simulan sa Pebrero ang voters registration para sa 2025 midterm elections

Maaaring simulan sa Pebrero ng taong kasalukuyan ang voters registration para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, target nilang simulan sa unang linggong Pebrero ang pagpaparehistro at magtatagal ito hanggang September 2024.

Paalala naman ng Comelec, eksaktong 273 days lamang ang ibinigay nila para sa mga overseas filipino voters upang makapag-parehistro para sa 2025 midterm elections.

About The Author