dzme1530.ph

Sen. Go, nanawagan sa lahat na iwasan muna nag pamumulitika

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa lahat na iwasan muna ang pamumulitika lalo na’t malayo pa ang eleksyon.

Ito ay sa gitna ng panibagong senatorial survey na inilabas ng OCTA Research kung saan pumangalawa siya sa mga posibleng piliing senador ng mamamayan.

Isinagawa ang survey mula December 10 hanggang 14 kung saan nakakuha si Go ng 52% rating.

Sinabi ni Go na mas makabubuting unahin ang kapakanan ng mamamayan sa halip na pag-usapan ang mga usaping pulitikal.

Kasabay ng kanyang pasasalamat sa publiko sa tiwala sa kanya, nangako si Go na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kanyang mga adbokasiya partikular ng mga programang may kinalaman sa kalusugan ng mamamayan.

Naniniwala ang senador na ang kanyang sipag at sinseridad ang nakikita ng taumbayan sa kanya kaya’t patuloy na nangunguna sa mga survey. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author