dzme1530.ph

Bagong kaso ng fireworks related injuries, umabot na sa 212; kabuuang kaso 443 na!

Iniulat ng Department of Health na umabot na sa  212 ang panibagong kaso ng fireworks related injuries mula Disyembre 31 hanggang ngayong araw, Enero 2.

Sa ngayon nasa 443 na ang kabuuang kaso ng mga sugatan kung saan, 441 ang dahil sa paputok, 1 ang dahil sa watusi, at 1 dail sa ligaw na bala.

Samantala, nananatiling isa ang bilang ng namatay dahil sa ligaw na bala. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author