dzme1530.ph

Mga turista, nagsimula nang bumiyahe para sa pagbabalik ng pasok sa trabaho at eskwela

Balik na sa reyalidad ang mga Pilipinong nagtungo sa Baguio City sa nakalipas na holiday break.

Kahapon ay nagsimula nang mag-uwian ang mga nagsipag-bakasyon para pumasok sa trabaho o eskwela.

Inaasahan ng mga otoridad ang pagdagsa ng 15, 000 hanggang sa 20,000 pasahero sa mga Bus Terminal sa pagtatapos ng holiday.

Pinapayuhan naman ang mga commuter na umalis ng maaga upang maiwasan pagsisiksikan sa mga terminal. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author