dzme1530.ph

Pinaghihinalaang kidnapper, patay matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng NBI

Patay ang isang lalaking nagpanggap na agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at hinihinalang sangkot sa pagdukot sa isang Vietnamese national sa operasyon ng NBI sa Zambales.

Ayon kay NBI Anti-organized and Transnational Crime Division Chief Jerome Bomediano, nag-overtake ang NBI Agents sa sasakyan saka nagbukas ng bintana at nagpakita ng ID subalit pinaputukan sila ng suspek.

Naharang ng NBI team ang kulay puting Nissan Navarra Pick-up Truck ni Movilla saka nangyari ang shootout na ikinasawi ng suspek.

Narekober mula sa Pick-Up Truck ni Movilla ang mga pekeng dokumento, gaya ng NBI ID, Warrants Of Arrest, pati na isang shotgun, isang .45 caliber handgun at dalawang .40 caliber pistols.

Natagpuan din ang isang plate number na iniuugnay sa pagdukot sa isang Vietnamese national.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author