dzme1530.ph

Mahigit ₱539 Million Pesos na jackpot sa Ultra Lotto 6/58, bigo pa ring mapanalunan

Hindi pa rin napanalunan ang mahigit ₱539.740 million pesos na jackpot sa Ultra Lotto 6/58 na binola, kagabi, December 24.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 05-06 – 25 – 13 – 17 at 16.

Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na mayroong jackpot na ₱15.84 million pesos matapos hindi tamaan ang winning combination na 08 – 12 – 23 – 29 – 24 at 44.

Samantala, mayroon naman mahigit isanlibong nanalo ng 4,000 pesos na Jackpot sa 2D lotto draw.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author