dzme1530.ph

Panukalang total ban sa mga paputok, suportado ng toxic watchdog group

Pinaboran ng isang toxic watchdog group ang panukala ng Dept. of the Interior and Local Govt. na total ban sa mga paputok.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Ban Toxics Campaigner Thony Dizon ang kahalagahan na ma-isaalang alang ang ligtas na pagdiriwang ng holiday season.

Ani Dizon, ito ay para sa kapakanan ng publiko at ng mga komunidad mula sa health, at environmental pollutants na idudulot ng mga paputok.

Una nang inilunsad ng Ban Toxics ang “Iwas Paputok” campaign na layong palawakain ang kampanya sa pagsusulong ng toxic-free at waste-free Christmas at New Year Celebrations. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author