dzme1530.ph

Mahigit P310-M na jackpot sa Super Lotto 6/49, solong napanalunan

Siguradong Merry ang Christmas ng lotto bettor na solong napanalunan ang mahigit P310 million na jackpot sa Super Lotto 6/49 na binola, kagabi.

Sa resulta na ipinost ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakatama sa winning combination na 30 – 16 – 33 – 12 – 29 – 25.

Samantala, mailap pa rin ang suwerte para sa mga mananaya ng Ultra Lotto 6/58 na ang jackpot prize ay umabot na sa mahigit P513 million.

Walang nakahula sa winning combination na 33 – 30 – 43 – 32 – 27 – 57. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author