dzme1530.ph

Operating hours ng mga tren sa Metro Manila, pinalawig ng DOTr simula ngayong Miyerkules hanggang sa Sabado

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang extended operationg hours ng tatlong linya ng tren sa Metro Manila simula ngayong Miyerkules, Dec. 20 hanggang sa Dec. 23, araw ng Sabado.

Sa advisory na ibinahagi sa pamamagitan ng social media kagabi, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang pinalawig na oras ng operasyon ng MRT-3 at LRT Lines 1 at 2, ay para sa kapakanan ng riding public na dadalo sa mga party, reunion, at iba pang pagtitipon, ngayong kapaskuhan.

Sa MRT-3, ang huling biyahe mula sa North Avenue Station ay 10:30 p.m. habang 11:05 p.m. naman mula sa Taft Avenue.

Sa LRT-1, 10:45 p.m. ang last trip mula sa Baclaran station habang 11:00 p.m. sa Fernando Poe Jr. Station at sa LRT-2, 10:30 p.m. ang huling biyahe mula sa Antipolo Station habang 10:30 p.m. naman mula sa Recto Station. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author