dzme1530.ph

Pulis na sangkot sa pagkawala ni Catherine Camilon, tumangging magpakita sa preliminary investigation

Tumangging magpakita sa preliminary investigation ang pulis na nasasangkot sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa halip, si Ferdinand Benitez, abogado ni Police Major Alan De Castro, ang tumanggap ng mga reklamo ng naturang otoridad sa Batangas City Hall of Justice.

Nananatili namang nasa Restrictive Custody si De Castro, sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Isasagawa ang susunod na hearing, sa January 9, 2024.

About The Author