dzme1530.ph

Heart attack, diabetes, at cancer, ilan sa mga leading cause of death sa Pilipinas

Iniulat ng Department of Health na ilan sa mga leading cause of death sa Pilipinas ay ang heart attack, diabetes, at cancer, o tinatawag ding lifestyle diseases.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, tinawag itong lifestyle diseases dahil ito ay nagmumula sa kung paano mamuhay ang isang tao, sa mga kinakain, sa dalas ng pag-e-ehersisyo at abnormal na katabaan.

Hinikayat naman ni Herbosa ang publiko na i-practice ang healthy living at gawin ang lahat “in moderation” tulad ng pagkain, pag-inom, pagpupuyat at iba pa.

 

 

About The Author