dzme1530.ph

VP Sara Duterte, magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa Japan si PBBM

Magsisilbing caretaker ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte, habang nasa Japan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagdalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Sec. Cheloy garafil.

Samantala, ngayong hapon inaasahang darating ang Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Magbibigay ang Pangulo ng kanyang Departure speech bago ang flight alas-2 ng hapon.

Ang Japan trip ng Pangulo ay tatagal hanggang sa Disyembre a-18, araw ng Lunes. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author