![]()
Mahigit 1.3 milyong Pilipino ang bumisita sa Manila North Cemetery, kahapon, Nov. 1, para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon kay Manila North Cemetery Director Daniel Tan, as of 7 p.m. kagabi, nakapagtala sila ng 1,326,800 visitors sa itinuturing na pinakamatanda at pinakamalaking sementeryo sa Maynila.
Aniya, mas marami ang mga dumalaw ngayon sa Norte kumpara noong nakaraang taon na halos 1.2 milyon ang mga bumisita.
Idinagdag ni Tan na wala namang major incidents na naitala kahapon, maliban sa isang nasugatan na bumagsak at nabagok ang ulo.
