dzme1530.ph

Sen. Cynthia Villar, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Senador Cynthia Villar na nagpositibo siya sa COVID 19.

Sa text message ng senador sa Senate Media, sinabi ni Villar na lumitaw na positibo siya sa COVID-19 noong araw ng Huwebes kaya’t nag-isolate ito ng ilang araw.

Sa plenary session kahapon at sa hearing ng Commission on Appointments ngayong araw ay naka-online lamang na dumalo si Villar dahil  patuloy pa itong nagpapagaling.

Ito ay sa kabila ng negative result na ng kanyang Antigen test subalit patuloy pang inaabangan ang resulta ng kanyang RT PCR test.

Sa CA hearing, kinumusta pa ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang lagay ng senadora na nagpahayag na maayos naman ang kanyang kondisyon.

Kasabay nito, nagpaalala si Go na sumunod  pa rin sa health protocols kahit hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

 

About The Author