dzme1530.ph

Inflation rate sa bansa, bumaba sa 4.1% noong November

Bumagal sa 4.1% ang inflation rate o ang antas ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong November, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng ahensya, mas mababa ito kumpara sa 4.9% na naitala noong October.

Kabilang sa nagdulot ng pagbagal ng inflation ang mababang presyo ng food and non-alcoholic beverages, restaurants and accommodation services, at pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang petrolyo.

Samantala, pasok sa 4 to 4.8% target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang naitalang inflation. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author