dzme1530.ph

PBBM, kumpirmado nang hindi aalis patungong Dubai

Kinumpirma ni DILG Sec. Benhur Abalos na kanselado na ang pag-alis ni PBBM ngayong umaga kaugnay ng nakatakda sanang pagdalo sa COP28 sa Dubai UAE.

Sa ambush interview sa Villamor Airbase sa Pasay City, inihayag ni Abalos na dahil sa sitwasyon sa hostage taking ng 17 Filipino seafarers sa Red Sea, nagpasiya ang Pangulo na huwag na lamang tumuloy sa Dubai.

Sinabi naman ni Abalos na hindi muna siya makapagbibigay ng iba pang detalye kaugnay ng sitwasyon ng mga hinostage na Pinoy.

Samantala, nilinaw naman ni Abalos na tutuloy pa rin siya sa Dubai UAE kasama ang iba pang bahagi ng Philippine delegation para katawanin ang Pilipinas sa Cop28. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author