dzme1530.ph

Maraming Coconut farmers, naghihirap pa rin dahil sa mababang investments, pangit na imprastraktura, at iba pang hamon

Aminado ang Dep’t of Agriculture na naghihirap pa rin ang maraming coconut farmers sa bansa dahil sa iba’t ibang hamon at problema.

Ayon sa DA, sa kabila ng pagtaas ng exports ay patuloy na bumababa ang ani ng niyog simula pa noong 2010 dahil sa mga peste, malalakas na bagyo, mababang investments, limitadong research and development, at pangit na imprastraktura.

Kaugnay dito, ibinahagi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang planong pagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng niyog, at pagpapalakas ng produksyon gamit ang coconut hybrids at varieties.

Sinabi pa ni Laurel na may marching order na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na buhusan ng resources ang coconut production, at i-modernize ang agrikultura at palakasin ang produksyon ng pagkain upang mai-ahon sa kahirapan ang milyung-milyong magsasaka at mangingisda. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author