dzme1530.ph

Mga kapatid ni dating PNP Chief Cascolan, kinuwestiyon ang biglang pag-cremate sa labi nito

Masama ang loob ng mga kapatid ni dating PNP Chief Camilo Cascolan dahil sa umano’y madaliang pag-cremate sa labi nito matapos pumanaw noong Biyernes.

Ayon sa Abogado ng mga kapatid at pamangkin na si Atty. Stephen Cascolan, bagaman may sakit ang dating PNP Chief, nagtataka sila kung bakit lumala ang kondisyon nito hanggang sa bawian ng buhay.

Ipinaliwanag ni Atty. Cascolan na dati pa naman aniya ay mayroon nang petition for guardianship para maalagaan ng maayos at naka-specify din na kapag namatay, huwag i-cremate at ipa-autopsy.

Kinuwestiyon din ng mga kapatid kung bakit isang PNP Doctor at hindi ang attending physician ng dating Heneral ang pumirma sa death certificate upang agad ma-cremate ang bangkay nito.

Idinagdag ni Atty. Cascolan na masakit para sa kanilang pamilya na natuldukan ang buhay ng kanilang mahal sa buhay nang ganoon nalang. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author