dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, tatakbong VP o Senador kapag inimpeach ang anak na si Sara

Mapipilitan si Dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong bise presidente o senador kapag inimpeach ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Reaksyon ito ng dating Pangulo hinggil sa umano’y pinag-uusapang planong impeachment ng ilang miyembro ng Kamara laban sa bise presidente.

Nagbanta ang nakatatandang Duterte na babalik siya sa pulitika at tatalikuran ang kanyang retirement, kasabay ng pagsasabing malapit na rin naman ang eleksyon.

Sinabi pa ng dating punong ehekutibo na hangga’t buhay siya at wala pang dementia ay tatakbo siyang Vice President kung si Sara ang presidente.

Sa bahagi naman ni VP Sara, tiniyak nito ang suporta sa anumang plano sa politika ng kanyang ama. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author