dzme1530.ph

Coast Guard Apprentice, brain dead makaraang malunod sa training

Mahigit 10 personnel ng Philippine Coast Guard ang inalis sa kanilang puwesto makaraang isang apprentice seaman ang nalunod sa training.

Ayon sa doktor, brain dead at nasa kritikal na kondisyon ang apprentice seaman ng PCG na si Mori Caguay matapos ang insidente.

Nalunod si Caguay habang sumasailalim sa water research and rescue training sa Sangley Point sa Cavite noong Nov. 16.

Sa nakuhang video ng NBI sa aktuwal na training, makikitang nakalutang si Caguay habang tila pinagtatawanan ito ng kanyang mga kasamahan, subalit nang mapansing hindi ito gumagalaw ay isinakay ito sa rubber boat habang sinusubukang i-resuscitate.

Sinabi ng pamilya ng apprentice na tapos na ang training subalit pinabalik ito sa tubig para lumangoy pa, na isa umanong paraan ng initiation. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author