dzme1530.ph

80 Infra projects, maaaring pondohan ng Maharlika Fund

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 80 Infrastructure Projects ang maaaring mapondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.

Sa Philippine Economic Briefing sa San Francisco, United States, inihayag ni Marcos na ang Maharlika Fund ang magsisilbing karagdagang Source of Funding para sa Priority Projects kasama na ang Infrastructure Flagship Projects.

Ang mga proyekto umano ay magbibigay ng mataas na returns at malaking Social Economic Impact.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na pinaghahandaan na nila ang pagiging operational ng Maharlika Fund na itong kauna-unahang Sovereign Investment Fund ng Pilipinas.

Idinagdag pa ng Pangulo na handa na ang Pilipinas sa mithiing maging Leading Investment Hub sa Asya.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author