dzme1530.ph

Ilang Chinese POGO workers, binunutan ng mga kuko ng kanilang kidnappers na kapwa Tsino

Ilang Chinese POGO workers na kinidnap ang nakaranas umano ng torture sa pamamagitan ng pagbunot sa kanilang mga kuko.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Pol. Brig. Gen. Cosme Abrenica, nadiskubre ng mga otoridad ang mga biscript pliers at martilyo makaraang mailigtas ang tatlong POGO workers sa Meycauayan, Bulacan.

Sinabi ni Abrenica na ang pag-torture sa kidnap victims ay karaniwang paraan ng kidnappers para mapilitan ang mga kaanak ng mga biktima na magbayad ng ransom.

Aniya, pinadadalhan ng mga kidnapper ng picture o video ang mga kaanak ng mga biktima habang nakaposas at nakapiring ang mga mata ng mga ito, at sinasaktan.

Dalawang Chinese kidnappers naman ang nadakip sa rescue operations at sinampahan na ang mga ito ng mga kasong Kidnapping, Serious Illegal Detention at Illegal Possession of Firearms. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author