dzme1530.ph

Albay Cong. Salceda hinggil sa suspensiyon sa IRR ng MIF bill: Hindi batas ang may problema!

Hindi batas ang may problema kundi ang Implementing Rules and Regulations na executive branch ang gumawa.

Ito ang reaksyon ni Albay Cong. Joey Salceda matapos suspindihin ni PBBM ang IRR ng Republic Act 11954 o Maharlika Investment Act of 2023.

Ayon kay Salceda, ginagamit lang ng Pangulo ang executive discretion nito sa IR.

Pero ang malinaw ang buong batas o MIF ay walang nababago at walang exception.

Para sa kongresista mas mabuting resulbahin na muna ang ano mang puna sa IRR bago ito ipatupad.

Handa naman umano siya bilang head ng TWG na magbigay ng advice sa palasyo kaugnay sa layunin ng batas.

Siniguro rin ni Salceda na on track pa rin na gugulong ang MIF ngayong taon. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author