dzme1530.ph

ICRC, nanawagan sa Israel at Palestine na igalang ang International Humanitarian Law

Hinimok ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang Israeli forces at Palestine na igalang ang kani-kanilang obligasyon sa ilalim ng International Humanitarian Law.

Gayunman, ayon kay ICRC President Mirjana Spoljaric, nakahanda sila na mag-abot ng mga kinakailangang tulong sa mga naiipit sa gulo lalo na ang nga sibilyan.

Nakahanda rin aniya ang ahensya na magbigay ng humanitarian support lalo na sa paghahanap ng mga nawawala bunsod ng gulo at pamamahagi ng medical supply. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author