dzme1530.ph

4 patay, 80 sugatan matapos madiskaril ang sinasakyang tren sa India

Hindi bababa sa apat na katao ang nasawi habang 80 iba pa ang sagutan matapos magdiskaril ang sinasakyang tren sa Bihar sa Northeastern state ng India.

Ayon kay Tarun Prakash, general manager ng East Central Railway, 21 bagon ng North-East express train na biyaheng Delhi to Assam ang nadiskaril sa Raghunathpur railway station sa Bihar’s Buxar District, kahapon, dakong 12:05 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Karamihan sa mga sugatan ay dinala sa Patna, capital state ng Bihar.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author