dzme1530.ph

Sitwayon sa Gaza Strip, iminungkahing itaas sa Alert level 3

Inirekomenda ni Philippine Ambassador to Amman, Jordan Wilfredo Santos sa Malacañang ang pagtataas ng sitwasyon sa Gaza Strip sa Alert level 3 mula sa Alert level 2.

Sinabi ito ni Santos sa House Committee on Overseas Workers Affairs sa naganap na briefing kahapon, October 11.

Ayon sa Philippine Ambassador, iminungkahi niya ang naturang alert level, na subject for approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil may mga Pilipino na aniya roon ang humihiling na maka-uwi ng Pilipinas, gayundin ang umiigting na digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel sa loob ng Gaza.

Nabatid na isiniwalat sa panel briefing na nasa 70 mga Pilipino sa Gaza ang nais nang marepatriate. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author