dzme1530.ph

7 Pulis na sangkot sa pagnanakaw sa Cavite, sinibak sa serbisyo

Ipinag-utos ng PNP ang pagsibak sa serbisyo sa pitong Pulis sa Cavite na pinagnakawan ang bahay ng isang retiradong guro sa isang follow-up drug operations sa Imus.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief, Col. Jean Fajardo, batay sa nilagdaang rekomendasyon ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., ang mga kinasuhan ng Grave Miscoduct ang napinahan ng dismissal mula sa police service.

Binigyang diin ni Fajardo na malinaw sa CCTV footage na nagkaroon ng violations ang mga dinismiss na police officers.

Tinukoy ng opisyal ang sapilitang pagpasok ng mga pulis at kawalan ng koordinasyon, at paglabas nila ng bahay ay nakitaan silang may bitbit na mga gamit. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author