dzme1530.ph

BIR, muling nagbabala sa mga nagbebenta ng TIN cards online

Muling binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nagbebenta ng Tax Identification Numbers (TIN) at TIN Cards online na mahaharap ang mga ito sa parusa.

Sa ilalim ng Section 257 ng Tax Code of 1997, papatawan ng multa at pagkakakulong ang sinumang mahuli na nagbebenta at namemeke ng TIN Cards.

Nagpa-alala naman ang BIR sa publiko na huwag tangkilikin ang mga nag-o-online sell nito, kasabay ng pag-giit na ang serbisyo hinggil sa TIN cards ay free of charge o libre na makukuha mula sa pinakamalapit na kawanihan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author