dzme1530.ph

3 vloggers na nag-interview kay dating BuCor Chief Bantag, kakasuhan ng DOJ ng Contempt of Court

Nakatakdang kasuhan ng Department of Justice ng Contempt of Court ang tatlong vloggers na nag-interview kay dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangang mapanagot ang mga vlogger na nag-interview kay bantag na mayroong standing warrant of arrest.

Inihayag ng kalihim na pinaghahandaan na nila ang isasampang reklamo laban sa mga vlogger dahil bawal ang kanilang ginawa.

Ang mga kaso laban kay Bantag ay nakabinbin sa Regional Trial Courts ng Muntinlupa City at Las Piñas City.

Hindi man nagbigay ng detalye, tiniyak ni Remulla na ongoing ang kanilang operasyon para sa ikadarakip ni Bantag na itinurong mastermind sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid, isang taon na ang nakararaan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author