dzme1530.ph

Burol ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, binuksan na sa publiko

Binuksan na sa puliko ang burol ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, sa Queen of Angels Chapel, sa Riverbanks Center sa Marikina City.

Sa unang araw ng public viewing kahapon, dumagsa ang mga residente upang magbigay ng huling respeto sa dating alkalde ng lungsod.

Nag-deploy naman ang MMDA ng mga tauhan sa venue upang tumulong sa pag-assists sa mga bisita.

Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na dumalaw na sa burol ni Fernando ay si Vice President Sara Duterte.

Pumanaw si fernando noong Biyernes sa edad na 77, makaraang mahulog mula sa bubungan ng kanilang bahay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author