dzme1530.ph

Metro Manila Council, hindi pa nakapagpapasya sa halaga ng service fee para sa single ticketing system

Isasapinal muna ng Metro Manila Council (MMC) ang unified bond mula sa digital payment service providers bago simulan ang full implementation ng single ticketing system.

Ayon kay MMC President, San Juan City Mayor Francis Zamora, natanggap na nila mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga device na gagamitin sa programa.

Sinabi ni Zamora na matagumpay ang pilot implementation ng single ticketing system at ang tanging depekto na kanilang nireresolba pa ay ang bond mula sa digital payment service providers.

Idinagdag ng Alkalde na ang proposed bond ng service providers ay nasa P12,000 lamang na mas mababa kumpara sa monthly average na nakukuha ng San Juan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author