Wala nang balak bumalik sa politika si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Dating Executive Secretary Salvador Medialdea, makaraang ilaan ni Duterte ang 40-taon ng buhay nito sa politika.
Ginawa ni Medialdea ang pahayag matapos kausapin ni dating Pangulo at ngayo’y pampanga Rep. Gloria Arroyo si Duterte para kumbinsihing bumalik sa politika makaraang bumaba sa kapangyarihan noong June 30, 2022.
Sinabi ng long-time legal counsel ni Duterte na duda siyang tatakbong muli ang dating Pangulo, kahit sa pagiging Senador sa 2025 dahil bumabawi ito ngayon sa mga bagay na hindi nito nagawa noong nagsisilbi bilang presidente. —sa panulat ni Lea Soriano