dzme1530.ph

Bagyo at baha sa Libya, pumatay ng 150 katao

Pumatay ng 150 katao ang malakas na bagyo at malawakang pagbaha sa Eastern Libyan City na Derna sa nakalipas na dalawang araw.

Ayon sa pinuno ng Red Crescent sa Benghazi, pinangangambahang tumaas pa sa 250 ang bilang ng mga nasawi.

Sa footage na naka-post sa social media, makikita ang mga residente na nasa bubungan ng kanilang mga sasakyan makaraang manalasa ang Storm Daniel sa Benghazi, Sousse, Al Bayda, Al-Marj at Derna. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author