dzme1530.ph

DHSUD, UPAC, bumuo ng TWG para mas mapabilis ang implentasyon ng “Pabahay Program” ng pamahalaan

Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Urban Poor Action Committee (UPAC) na mas pabilisin pa ang implentasyon ng programang pabahay ng pamahalaan para sa mahihirap na sektor.

Ayon sa DHSUD sec. Jose Rizalino Acuzar, kaagapay ang UPAC, bumuo sila technical working group (TWG) upang tugunan ang panawagan ng urban poor groups at ng lahat ng stakeholders na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan.

Sa pulong ng TWG, tinalakay ang function ng bawat grupo at iba’t ibang housing resettlement concerns.

Kabilang na ang People’s plan ng UPAC na naglalayon na maging mas participative at solution-based ang plano sa pabahay.  —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author