dzme1530.ph

Korte Suprema, naglabas ng show cause order laban kay Cagayan Gov. Manuel Mamba

Inatasan ng Korte Suprema si Cagayan Governor Manuel Mamba na magpaliwanag kung bakit hindi dapat ma-cite in contempt kaugnay sa kusang pagsuko sa Kamara nang hindi ipinapaalam sa Korte.

Ayon sa Supreme Court, dapat magpaliwanag si Mamba at ang kanyang mga abugado kung bakit hindi sila dapat isailalim sa contempt of court dahil sa pang-aabuso sa mga proseso ng Korte.

Sa naturang show cause order, inilahad ng SC ang pagdulog ng gobernador na humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa utos ng Kamara na siya ay ikulong, ngunit sumuko pa rin ito nang hindi ipinaalam sa mataas na hukuman.

Dagdag pa ng SC, matapos maglabas ng TRO, kumilos ang kampo ni Mamba na bawiin ang petisyon na nauna nitong inihain laban sa mga utos ng contempt at detention sa Kamara.

Sinabi ng SC na ang kanyang mga aksyon ay nagbigay ng nugatory o walang halaga sa TRO.

Si Mamba at ang kanyang legal counsel ay kailangang magpaliwanag sa loob ng sampung araw bago magpasiya ang SC sa withdrawal ng TRO bago maaksiyunan ang manifestation o kahilingan na bawiin ang kanyang petition na unang idinulog sa Korte Suprema. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author