dzme1530.ph

Pagbaba ng inflation at antas ng krimen sa bansa, ipinagmalaki ng gobyerno!

Ipinagmalaki ng gobyerno ang patuloy na pagbaba ng inflation rate at antas ng krimen sa bansa, sa ika-apat na issue ng The Philippine Gazette.

Tampok sa front page ang inflation na bumaba sa anim na magkakasunod na buwan, kung saan umabot lamang ito sa 4.7% para sa buwan ng Hulyo.

Tampok din ang higit 10% pagbaba ng crime rate sa unang anim na buwan ng taon, batay sa datos ng Philippine National Police.

Samantala, nasa front page din ang ulat kaugnay ng inilunsad na Media and Information Literacy Campaign ng Presidential Communications Office upang labanan ang fake news.

Makikita rin ang istorya kaugnay ng biyaheng Naga-Ligao ng Philippine National Railways, binuong Inter-Agency Council para sa Pasig River Rehabilitation, at ang tatlong bagong ecozones na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ang libreng kopya ng The Philippine Gazette ay makukuha sa ilang tanggapan ng gobyerno, mga piling istasyon ng LRT 2 at PNR, at ilang terminals ng pampublikong transportasyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author