dzme1530.ph

81st Alagang Tingog Center, pinasinayaan sa Bulacan

Pinasinayaan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at TINGOG Cong. Jude Acidre, ang ika-walumpu’t isang Alagang Tingog Center sa Malolos, Bulacan.

Ang Alagang Tingog Center ay naglalayong makapagbigay ng tulong sa mahihirap na mamamayan gaya ng medical, educational at burial assistance.

Isinabay na rin sa okasyon ang pamamahagi ng tig-5,000 financial assistance sa 1,000 jeepney drivers sa pamamagitan ng DSWD Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Ayon naman kay Cong. Acidre, ikinakalat nila ang Alagang Tingog Center sa buong bansa bilang pagtanaw pa rin ng utang na loob sa tulong na kanilang tinanggap nang tamaan ng super typhoon Yolanda ang Tacloban at buong region 8.

Nagpasalamat naman si Bulacan Governor Daniel Fernando at Bulacan 1st District Rep. Danilo Domingo sa proyektong handog ng Tingog Partylist, bagaman hindi nakadalo si Congresswoman Yeddah Marie Romualdez. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author