dzme1530.ph

Most wanted dahil sa pagbebenta ng droga, nalambat sa Navotas

Nalambat ang isang mangingisda na itinuturing bilang most wanted sa kaso ng illegal na droga sa ikinasang manhunt operation ng Navotas City-PNP.

Ayon kay P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado ay kinilalang si Hailde Monzales, 46 anyos na taga Barangay NBBN, Navotas City.

Sa ulat ni Cortes, si Monzales ay may nakabinbing warrant of arrest sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author