dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, bigong maka-abante sa 2nd round ng FIBA World Cup makaraang padapain ng Italy

Natuldukan kagabi ang tsansa ng Gilas Pilipinas na maka-abante sa second round ng FIBA World Cup 2023.

Ito’y matapos matalo ang pambansang koponan sa World no. 10 na Italy, sa score na 90-83, sa final game ng Group A, na ginanap sa Araneta Coliseum.

Naging mailap ang panalo para sa Gilas na nagtamo ng tatlong sunod na talo sa group stage ng tournament.

Nagtapos naman ang Italy bilang second seed sa Group A, sunod sa Dominican Republic, at aabante sa second round ng World Cup. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author