dzme1530.ph

8 domestic flight, kinansela dulot ng masamang panahon

Aabot na sa walong domestic flight ang kinansela dulot ng masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division Office kabilang sa mga nagkansela ang PAL Express para sa apat nilang domestic flight: 2P 2905/2906 Manila-Antique-Manila at 2P 2932/2933 Manila-Basco-Manila.

Kanselado din ang dalawang domestic flights ng Cebu Pacific flight 5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila.

Habang dalawang Domestic flight din ng CebGo ang kanselado kabilang ang flight DG 6177/6178 Manila-Masbate-Manila.

Muling pinapayuhan ng MIAA ang apektadong pasahero na makipag ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang plane ticket. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author