dzme1530.ph

Unang araw ng COMELEC checkpoint, naging mapayapa ayon sa PNP

Generally Peaceful at walang naitalang major untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng COMELEC checkpoint para sa pagsisimula ng Election Period.

Ayon kay Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, inatasan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang mga regional director na direktang i-supervise ang checkpoint operations.

Pinasisiguro din ng PNP Chief sa mga pulis na magsasagawa ng checkpoint na maging magalang, nasa lugar na maliwanag, mayroong mga markadong sasakyan, naka-suot ng uniporme at striktong susunod sa police operational procedures.

Aniya, iginiit ni Acorda na sundin at respetuhin ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng checkpoint search.–sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author