dzme1530.ph

NoKor, bigo sa paglunsad ng ikalawang space satellite

Nabigo ang North Korea sa tangkang paglulunsad ng ikalawang spy satellite, tatlong buwan matapos bumagsak sa karagatan ang pinaka-unang inilunsad nito.

Una nang sinabi ni North Korean Leader Kim Jong Un na ang pagpapabuti ng kanilang pwersa ay counterbalance sa lumalawak na aktibidad ng United States Forces.

Kamakailan lamang nang ilunsad ng National Aerospace Development Administration ang Second Reconnaissance Satellite na Malligyong-1 subalit, nabigo ito dahil sa pagkakamali sa emergency blasting system sa third-stage flight.

Hindi naman malaking isyu o problema para sa North Korea ang kabiguang paglulunsad ng nasabing satellite, at handa ito na muling magkasa sa Oktubre. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author