Lahat ng public access points patungong Philippine Arena sa Bulacan ay isasara simula bukas para sa Opening ng International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023.
Sa advisory, sinabi ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na ang temporary closure ay magsisimula ng ala-5:30 ng hapon.
Ang mga access point ay kinabibilangan ng Ciudad de Victoria Toll Plaza Northbound and Southbound Exits, Igulot Intersection Access via Macarthur Highway, at Gate 3 sa Barangay Bolakan.
Idinagdag ng pamunuan ng NLEX na tanging mga point-to-point bus at mga sasakyan na otorisado ng FIBA na may valid vehicle access at parking permits ang papayagang dumaan sa Ciudad de Victoria. —sa panulat ni Lea Soriano