dzme1530.ph

Pagtaas ng presyo ng well milled rice noong Hulyo, naitala!

Tumaas ng 0.4% ang average retail price ng well milled rice mula July 1 hanggang 5, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ng PSA, na nasa P45.56 ang average retail price per kilo ng bigas sa national level noong nakaraang buwan na mas mataas sa P45.37 kada kilo na naiulat noong Hunyo.

Sa talaan ng PSA, nangunguna ang Central Visayas sa may pinakamataas na presyo ng bigas na may P48.28 kada kilo.

Sa kasalukuyan ayon sa Dep’t of Agriculture aabot sa P46 hanggang P57 ang presyo ng well milled rice sa Metro Manila.

About The Author