dzme1530.ph

MERALCO, mamumuhunan ng P18-B para sa Renewable Energy

Aabot sa P18-B ang ipupuhunan ng power generation arm ng MERALCO, na Meralco PowerGen Corp. (MGEN) upang palakasin ang paglago ng Renewable Energy (RE) bilang bahagi ng long-term sustainability strategy.

Sa isang pahayag, sinabi ng MGEN na sakop ng investment ang mahigit 2-gigawatt ng gross renewable energy capacity mula sa solar at wind project, na nilalayon nito at ng mga kasosyo na itayo hanggang 2030.

Tinitingnan din ng MGEN sa pamamagitan ng MGEN Renewable Energy Inc. o MGREEN na paigtingin ang re capacity sa 1,500 megawatts gamit ang investments at green energy projects.

Samantala, tinitingnan pa ng MGEN ang iba pang proyekto sa ilalim ng renewable energy. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author