dzme1530.ph

Administrasyong Marcos at pribadong sektor, magtutulungan sa paglikha ng mas maraming trabaho sa agrikultura

Nagkasundong magtulungan ang administrasyong Marcos at pribadong sektor para sa paglikha ng mas maraming trabaho sa sektor ng agrikultura.

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Private Sector Advisory Council Jobs Sector Lead Joey Concepcion na nangangailangan ng malaking tulong ang agrikultura, partikular ang maliliit na magsasaka.

Kaugnay dito, sa kanilang pulong sa Malakanyang ay sumang-ayon umano sa alok na tulong ng pribadong sektor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tumatayo ring Agriculture Sec.

Sa ilalim nito ay tutulong ang mga tinatawag na “Big Brothers” at mga kooperatiba sa agrikultura na pagsama-samahin o i-grupo ang mga magsasaka.

Tinalakay din ni Concepcion ang Contract Growing Scheme kung saan hinihikayat ang pagme-mentor sa mga magsasaka ng “Big Brothers” sa agrikultura. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author