dzme1530.ph

Dating world no. 1 Venus Williams, umatras sa WTA Cleveland

Nag-withdraw si seven-time grand slam champion Venus Williams mula sa WTA Tournament sa Cleveland bunsod ng knee injury.

Sinabi ng 43-year-old American na kailangang i-atras nya ang kanyang final planned US Open Tune-up para maibigay niya ang kanyang best sa pagsabak niya sa Final Grand Slam event ngayong taon na magsisimula sa New York sa August 28.

Nagpahayag naman ng interes si Williams na maglaro sa susunod na taon sa Cleveland, senyales na tila muli siyang sasabak sa 2024 WTA Campaign.

Nakatanggap si Williams sa wildcard spot sa Cleveland field pati na sa US Open, kung saan nakatakda ang kanyang 17th Main Draw Appearance. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author